Black and White



Napakalinaw ng mga plano ko sa buhay.

Pinagawa kami dati noong high school ng blueprint ng mga plano namin within the next 10 years, at ako na siguro ang may pinakamagandang nagawa.

Matapos makapagtapos sa peryodismo, magtatrabaho ako sa isang call center. At sa unang sahod ko, bibili ako ng mga damit, maraming damit na pamasok sa trabaho. Kapag marami na akong damit, mag-aapply na ako kung hindi sa Inquirer, ay sa Philippine Star.

Pero sira na ang plano. Bulilyaso. Hindi pa man ako tapos sa kurso ko (dahil hindi ako makakapag-aral ngayong semestre), mag-aapply na ako sa isang call center. Napaaga. Bulilyaso.

Nakakalungkot man, marami pa ring mga bagay na dapat kong ikatuwa. Makakapagkape na rin ako nang walang sumisita sa akin. Makakapag-yosi na rin ako nang walang sumisita sa akin. Makakauwi na rin ako kahit anong oras nang walang sumisita sa akin. Makakatulog na rin ako ng walang hanggan.

At kapag napigtas na ang mga hangganan, gigising ako at papasok na sa trabaho. Magkakape. Magyoyosi. Uuwi. Tutulog.

At kapag napigtas na ang mga hangganan, gigising ako at papasok na muli sa trabaho. Magkakape muli. Magyoyosi muli. Uuwi muli. Tutulog muli.

At kapag napigtas na ang mga hangganan, gigising ako at papasok na naman sa trabaho. Magkakape na naman. Magyoyosi na naman. Uuwi na naman. Tutulog na naman.

Magpapaulit-ulit ang mga tagpo. Magiging black and white ang buhay ko. Boring at paulit-ulit. Boring at paulit-ulit. Boring at paulit-ulit. Boring at paulit-ulit. Boring at paulit-ulit. Boring at paulit-ulit. Boring at paulit-ulit. Boring at paulit-ulit. Boring at paulit-ulit. Boring at paulit-ulit.

At kapag marami na akong damit, siguro makakapag-aral na akong muli.

31 comments :: Black and White

  1. Pinagawa din kami nun nung first year. Wala akong masabi kasi di ko pa talaga alam ang gusto ko sa buhay. Hehe.

  2. wala namang natutupad na mga plano, shit happens. haha. pero aabangan ko ang column mo sa inq o phil star sa future. sana inquirer kasi hindi ako nagbabasa ng phil star.

  3. working our butt off in a call center would be enough to suffice our needs for subsistence but you are damn right... i believe there is no more growth for a person who works in a call center...Everything is going to be a big black and white trash... nice post ate cris..

  4. i was having fun reading your entry (as always) until i read that last line. i don't know why but felt guilty (maybe because i was having fun reading when i shouldn't be?).
    i am moved. tae ka. :)

  5. Magandang stepping stone ang call center. 1-2 years mo dun, ok na un! COngrats!

  6. Goodluck pala. :P

  7. ok lng yan.aayos din ang lahat.:D

  8. Ara, malaking panagip sa mga tao sa kasalukuyang panahon talaga ang mga call centers, ngunit sang-ayon ako sayo, sa kasamaang palad ay walang kaunlaran para sa mga habang buhay na pagkagapos sa mga kable ng telepono sa callcenters.

    wag kang mawalan ng pag-asa, sisikat din muli ang araw para sayo.

  9. pinagawa kami niyan noong hayskul. siyempre ang ideal ng nagawa ko, with all the illustrations and timeline and stuff. yeah. minsan kapag pinaplano hindi nangyayari. depende sa tao at sa mundong ginagalawan mo. :D

    goodluck sa trabaho. mahirap yan. pero ganyan talaga. :D

  10. ewan ko, pero kapag nasa self-loathing mode ako, tinutugtugan ako ng automatic soundtrack generator sa utak ko ng kanta ni Phil Collins: "Think twice. It's another day for you and me in paradise..." At least, hindi kanta ni Nancy Castiglioni, hehehe...
    na-share ko lang.
    napadaan lang ako ulit para humanga sa mga writings mo.
    God bless!

  11. pinagawa rin kmi nun ng hayskul kmi.Gumawa ako ng hindi ko naman gusto. Kaso ung hindi ko gusto na gawa, un ang naging tunay.hay.

    naku naku..pano yan? kelan ka uli papasok sa skul?

  12. aw.. sayang naman... nanghihinayang ako sa mga estudyanteng nagstop dahil sa ibat ibang problema.. pero siguro nga hindi natin hawak ang lahat kaya ganun..

    anyways, baka matulungan kita, send mo na lang sa email ko yung resume mo, refer kita sa Convergys, dito ako ngayon nagtatrabaho, hehehe.. if ever matanggap ka, hati tayo sa referral fee (hahaha!! pinagkakitaan pa e no?? hahaha!) ayun send mo dito: fjordz.allego.hiraya@gmail.com

    goodluck sa mga plano mo!


    http://hiraya.co.nr

  13. Sabi ko magiging piloto ako. Shit - that's one of the biggest goddam lies I've ever ever invented.

    Anyway, magiging "bland" nga ata ang buhay mo kung puro yosi at kape lang at trabaho aatupagin mo. Pakasaya ka naman! :D

    Magpainom ka!

  14. enjoy mo lang yan. and for sure makakabalik ka rin sa skul. di naman tumatakbo ang skul e. sabihn na natin yung "oras" pero may mga bagay na nangyayari beyond our capacity.

    magiging oks din ang lahat. ngiti-ngiti=]

  15. mganda nmn ang callcenter.. un e kng pera ang habol mo!.. hehe.. ipon ka nlng pra mkabalik u agd sa skul. Goodluck and Godbless po..^^,

  16. hala, ang galing naman ng post mo. seryoso... hala talaga!!!
    swak na swak, ang surreal ng feeling...HALA!

  17. Kris, bakit hindi mo subukan ang trabaho sa field? Iyong wala kang opisina at oras na dapat sundin?

  18. Hanggang ngayon ay nakasunod pa din ako sa blueprint ng ginawa ko.
    Hindi ko lang alam sa taong 2009!
    Mukhang magpapalit ako...

  19. san ka nagwowork kris?

  20. oi dumaan uli..dala si eyebags..wehehe

    lunes

  21. aw.Minsan talaga may mga bagay na hindi nasusunof according to plan. Mas madalas nangyayari ang mga bagay by surprise, at mas madalas mas nagiging succesful yung mga bagay na hindi mo inaasahan. Malay mo naman stepping stone yang call center diba? O malamang nga stepping stone yan, kasi makakapag-ipon ka, di lang damit mabibili mo. Maswerte ka dahil alam mong may direksyon ka at hindi ka makukuntento sa estado mo ngayon. Keep your goal and your determination. Mababago din ang mga bagay na paulit-ulit.

    good luck sa work and habaan mo pasensya mo! (just think of new clothes, yosi, coffee, and going back to school whenever receiving a phonecall.)
    (:

  22. napakaraming salamat sa lahat ng sumilip, dumaan, nagkumento, nagpapansin o kahit pa anong ginawa niyo.

    magrereply na lang ako sa linggo, dahil medyo hindi pa ako ganoon kasanay sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon...

  23. sampal nanaman sa mukha ko.

    tsk, ako. fresh grad. pinagaral ng walang mintis.

    siyeeeeeeeeet, tambay ngayon at minamahal ito.

    tulog, kain, palunod sa internet. . .

    siyeeeeeeeeeeeet, sana makapagaral ka na, at sana maisip ko ng maghanap ng trabaho.

    sana magkaroon ka na ng madaming damit,at makapagtrabaho sa inq o philstar. . .

  24. ah... that is so sad... and i am sorry to hear that (sabi nga ng bisor ko dati).

    but anyway when i planned what i wanted to do then, it was a bit high end. nothing specific. i just said i'll go to college, finish school and work. walang specific na kurso, walang specific na trabaho. ang ending, magtrabaho sa call center. am not complaining though, i'm learning a lot from the company that i am working for. and now i'm aiming to go back to school for management since related sya sa ginagawa ko ngaun.

  25. ako rin dati huminto sa pag-aaral at nag-call center ng isang sem. sa una masaya, pero sa huli nakakasawa na rin. nung bumalik ako sa pag-aaral, pakiramdam ko, nabawasan ako ng 10 IQ points.

    perahan mo lang yang mga call center na yan, tapos pag nakaipon ka na, aral ka uli. mas maganda pa rin makatapos ng pag-aaral. gudlak :D

  26. I'm still working in a call center after five years in three different companies. I did telemarketing twice, which is the bane of college graduates, don't ask me why, character count. I am now approaching my third year doing technical support for DSL, and that's a breath of fresh air among other things. I have a degree in Mathematics, and I don't mind the incoherence.

    I'm actually having fun with the work I'm doing. I'm helping people go back online, and I'm getting paid for it. We're talking big money here, not to endorse or nothing, and I got that much by sticking this far and not getting bored.

    If you were hired by some company that offers the closest possible training ground for your college degree, would you stick around for, say, ten years? Call center hoppers do it because they're lazy. These companies are so rich they're paying people for the training, and these people are simply abusing the benefit of being paid for taking classes.

    Distract yourself and stop reinforcing the dogma. I love your blog!

  27. Parehi lang tayu...ang nafefeel ko ngayun sa sarili ko ay isa lang akong...

    coporate savant/ corporate slave...

    eh ano naman magagawa natin?


    wala sa atin ang promotion...ang layo naman ng comment ko.lols

  28. i once work for a callcenter cos i was bored...and i realized..that it was not a job u can be proud of..like a whore's job. and that its funny how filipinoes took good care of their american callers but doesnt give importance to filipino callers.and fuck those gay agents who think they are so cool spending their lots of money on sucking a u know what.anyway,,,whatever. as what agents excuse always..its the money.

  29. tsk. tsk. masyado ka namang high blood. cool lang :)

  30. kahanga-hangang pagsasatitik ng damdamin at ideya. kudos!

    nga pala, bago na link add ko.
    fixing-yas.blogspot.com

    kudos!

    [yas]

  31. Kris, nakabalik na ako! Sana ikaw din.Kita-kits!

Post a Comment

YES TO FREE FLOW OF IDEAS.
Release those creative juices.